This site has moved!

Due to CSS restrictions, this site has moved to

http://historyoftheprecolonialphilippines.blogspot.com

Please visit! It’s a work in progress.

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Iloilo: Precolonial History, Its Peoples, And The Binukot

Iloilo is a province in the island of Panay. Precolonial Panay was inhabited by the Atis, native aboriginal people described as small, dark-skinned people. It is believed that they came to the island by the now-lost land bridges connecting the Philippines with mainland Asia. One of the settlements of the Ati people were the provinces of Iloilo and San Joaquin. In the 13th Century, Datu Puti and nine other datus from Borneo landed in these areas following an escape from the growing tyranny of Sultan Makatunao. They are collectively known in historic documents as “the ten datus of Borneo“. The Atis, under the rulership of King Marikudo and Queen Maniwangtiwang, obliged to the trade of their flatlands with a golden hat, a long golden necklace, and other assorted items. The Atis then went further inland and the Borneo people populated the flatlands and established their own system of living. In 1566, the Spaniards, having come from Cebu arrived at the place called Irong-Irong and Ilong-Ilong, so called because of the nose-like shape of the land. The name was then contracted by the Spaniards into Ilo-ilo. As to what happened next with the Spanish Colonization is another story.

As of current, there is only one indigenous group left in the Panay highlands: the Sulod, aka Panay Bukidnon, coined by Dr. Alicia P. Magos and which literally translates to People of Panay. They are descendants of the datus.

The one astounding practice of the tribe is the raising of a “Binukot,” a princess, who is supposed to be very beautiful and fair skinned, the best among the best. From childhood, parents choose their most beautiful and intelligent daughter to be the binukot, often either the eldest or youngest. Only affluent families practice this. As a highly treated princess, she is kept away from the public eye and only the immediate family is allowed to see her. She is also not exposed to the sun , allowed to work, nor bathe herself. She receives only the best of things. She is raised to a hammock so her feet won’t touch the ground. If she is needed in a social function, she wears a veil and is carried in a hammock so she will not get wounded. Yanyan Dizon (San Agustin College) made a term paper on the marriage practices of binukots and said that when the princess comes of marrying age, the man with the biggest dowry becomes her husband but even then, the man cannot see her until after the marriage. It doesn’t matter where the man came from as long as he is able to bid the highest price. As would be expected, the binukot is frail, healthwise and is not knowledgeable about doing chores or the practical ways of living. Nonetheless, her family stands by to wage revenge should the husband abuse her. According to Ms. Nancy Deocades, who made an anthropological study on the Sulodnon/Bukidnon tribe, one Binukot said that her feet bled when she first tried to walk on the ground. Physically frail as they may be, the binukots serve an important function. They are the repositories of ages-long epics and legends of their society. They are raised to chant these epics and legends, and to learn traditional dances.

In 2004, there were only seven known remaining Binukots in Panay. During WWII, the residents had to flee; and the binukots, who were too frail to run and were not allowed to be seen were left behind. Here enters the gruesome tales of the Japanese abuses, which I’ll leave at that. Suffice to say that the war greatly decreased their number. Now, the practice of Binukots no longer appeal to the current generation of Bukidnons who have experienced a taste of modern life and the ever-progressing system of education. It is not known whether there are still existing binukots elsewhere. With the threat of vanishing oral heritage, Frederico Caballero, son of a binukot established the balay turun-an, small schools that teach these oral traditions and dances to children.

Known Binukots
(Please add to the list, if you know others that can be substantiated, either by first hand or secondary data. Link(s) lead to their personal stories):
1. Preciosa “Lola Susa” Caballero (aka Anggoran) of Granagan, Calinog, Iloilo (DD: December 1994 at 74 y.o.) . Was recorded by anthropologist Dr. Alicia Magos chanting the 24-33hr long epic “Humadapnon”. She knew nine other epics by heart
2. Elena Gardoce (DD — at 98 y.o.)
3. Lola Isiang: Interviewed by Kara David for a GMA documentary film
4. Conchita Gilbaliga of Nayawan, Tapaz, Capiz (83 yo as of 2009.

Some pictures here

 

Posted in Ethnos: Indigenous Groups of the Philippines, Uncategorized | Tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , | Leave a comment

Mga Kaugaliang Igorot

This article is taken from my old Friendster blog, djedifever, sic and all, written March 2007.  I do realize that these said customs are just a few and are not representative of the whole Igorot group. My sources were Kankana-ey, Ibaloi, and i-Mt. Province (not sure which specific tribe=D).

Sa tuwing binabangit ang salitang “Igorot”, hindi matulungang may diskriminasyon na naglalaro sa isip ng mga tao. Ano nga ba ang pinagkaiba natin sa mga taong taga- ibang lupain?

Sinasabing nag-ugat ang mga taga-baba at mga taga-kabundukan sa parehong mga ninuno. Ang mga Igorot ay yaong mga taong lumipat sa mga kabundukan upang makahanap ng ibang buhay, o upang lisanin ang mga bayang nanganganib sakupin ng ibang lahi. Sila ay tumira sa tinatawag nating ngayong Rehiyong Cordillera. Sa pagdaan ng mahabang panahon, ang mga Igorot, kasama na ng iba pang mga tribong hindi nagpasakop, ay nagkaroon ng kulturang natatangi sa kanila. Naipagpatuloy ng mga Igorot ang mga sinaunang gawain samantalang ang mga naiwan sa mga kapatagan ay nagkaroon ng maraming pasanin. Ito ay mga paghihirap, mga sakripisyo, at mga luha na siya naman nilang ipinagkatulad sa mga Pilipinong taga-timog.

Madaming mga gawain na makikita sa karamihan ng mga Igorot ngunit nagkakaiba ang istilo sa iba’t-ibang mga tribo. Ang ilang mga gawain at paniniwala ng mga Igorot ay nakasaad sa sulating ito. Ang pangunahing pinagkunan ay ang mga karanasan ng aking lola. Ibig sabihin, ang mga ito ay gawain sa Mountain Province ngunit may konting halo sa mga paniniwala ng mga Ilocano sa Cervantes.

Hindi nalalaman kung kailan pa nagsimula ang mga kaugaliang mga ito. Basta ayon sa mga matatanda, ito ay ginagawa na noon pang buhay si ganito na anak ni ganito at pinsan ni ganito na siya namang apo ni ganito. Ang mga kaugaliang ito ay pinaabot sa mga sunod na henerasyon sa pamamagitan ng pagkukuwento o aktibong partisipasyon sa mga ritwal.

SAPO (KULAM)
Ang sapo, o kulam sa tagalog, ay isa sa mga sinaunang gawain na nakakapagtaka ma’y nakarating sa kasalukuyang henerasyon. Ginagamit ito upang makapagdulot ng kung hindi maganda ay kasawiang-palad sa taong tinuturingan nito. Ito ay ginagawa ng mga mambonong (mambonon sa iba), o mga pari. Ngunit maari din daw manahin ang talentong ito. May ritwal na gagawin ang mambonong upang magtawag ng diwata. Gumagamit ng representasyon para sa taong nais i-sapo, madalas na isang manok. Kinakantahan ng dasal at sinasayawan upang ang diwata, o espiritu ng mga ninuno ang magpapatotoo sa mga hinihiling.

Hindi lahat ng tao ay tinatablan ng sapo, lalo na kung siya ay may matatag na pananampalataya. (Hindi lamang nasabi kung ito’y pananalig sa Diyos ng mga Kristiyano o sa Bathala ng mga ninuno.) Sa ganitong mga pagkakataon, ito ay napupunta sa isa pang taong mahalaga sa kanya, kung di kaya’y bumabalik ito sa nais magpalagay ng sapo. Babala ng mga matatanda sa mga kadalagahan, huwag daw itaboy ang isang manliligaw. Bagkus ay kausapin na lamang daw ito nang matiwasay upang maiwasan ang anumang disgrasya. Sinasabing malawak pa rin ang paggawa nito sa ilang parte ng Mt. Province, Kibungan, Bokod, at lalo pa sa Abra.

PAGLIBING
Ang paglilibing naman sa isang tao ay depende sa kanyang estado sa buhay. Nagtatawag sila ng mambonong upang magsabi ng huling dasal. Isinasama na dito ang paghingi ng tawad para sa mga kasalanan ng namatay at pagbebendisyon sa pamilyang naiwan. Para sa mga mayayaman, nagkakaroon ng kanyao na nagtatagal ng di kukulanging isang lingo, minsan ay umaabot pa ng dalawang buwan.

Ang namatay ay binabalutan ng espesyal na tapis o tela at dinadagdagan ng mga bagay na naging mahalaga sa kanya. Ito ay sinasabing makakapagpadali sa kanyang pagtawid sa kabilang buhay. Inaasahan din nila ang pagpaparamdam ng kanyang kaluluwa sa ikatlong araw, lalo na sa mga kapamilya at kaibigan. Sinasabing ito ang panahon ng pag-ahon ng kaluluwa sa pook ng mga kagalang-galangang ninuno.

Sa mga Ibaloi naman, pumapaslang sila dati ng isang kabayo upang maging sakayan ng kaluluwa sa kanyang paglalakbay. Dati pa, marunong ang mga katutubong magmummify. Ito ay natatangi sa istilo ng mga Egyptian at Aztecs sa pagkat kasamang napre-preserba ang balat habang ang bangkay ay naka-posisyong paupo na para bang giniginaw. Kaya lamang, nakalimutan na din kung paano ito ginagawa. Mayroon pang natuklasan na isang mummy dito na sinasabing mahigit apat dantaong gulang na.

LIFE AFTER DEATH
Pinaniniwalaang pagkamatay, ang kaluluwa ay pumupunta sa mundo ng mga ninuno. Sa mga nahaluan ng Katolikong paniniwala, sinasabi nilang ang mga kaluluwa ay pumupunta sa purgatoryo habang hinihintay ang araw ng pagsasakdal. Ngunit itong mundo rin nating ito ang purgatoryo. Sila ang mga naninirahan sa mga sapa, mga gubat, mga puno, mga tutubi, at lahat na yata ng mga likas na bagay. Anito ang tawag sa mga ito. Ang mga anito ay kinatatakutan at nirerespeto ngunit hindi sila diyos. Ang mga diyos (bathala) naman ay higit na may kapangyarihan sa kanila. Pinaniniwalaan ding may kataas-taasang diyos na siyang lumikha sa sanlibutan. Nakakalito sa pagkat siya ang tinuturingang ‘Bathala’ ng ibang tribo.

ILANG PANINIWALA

Pagtawag ng pangalan.
Bago lumisan sa isang panibagong lugar, tinatawag ng mga katutubo ang kanilang anino. Maari daw kasing maiwang naglalakbay ang anino, o kaluluwa hiwalay sa katawan nito. Kapag nagkaganoon, ang katawan ay maiiwang sakitin at tulala. Sa ibang tao, palagi niyang mapapanaginipan ang lugar na pinuntahan niya. Makikita niya ang sariling libang na libang sa mga tanawin at mga bagay doon.

Ayon sa aking Lola, ito daw ang nangyari sa aking pinsan na dalawang taong gulang noon. Lumipat sila mula sa Apugan, Itogon. Sa mga sumunod na araw ay naging matamlay at pala-tae. Sinubukan nilang ipagamot sa pamamagitan ng medisina, sa abot ng kanilang makakaya. Nang walang nangyari, minungkahi ng isang matanda na ipatingin siya sa isangmambonong. Sinabi na naiwan daw ang kanyang kaluluwa sa pagkat aliw na aliw sa kanya ang isang batang anito. Sunod nito, nagkaroon ng ritwal ng panggagamot. Tinawag ng mambonong ang anito at mga magulang nito. Hiniling nila ang paglaya ng bata sapagkat ano nga daw ba ang gagawin nila sa isang tao. Ang mga tao ay hindi karapat-dapat sa mgaanito, na sila ay madudumi at hindi maipaghahambing sa kanila. May paghahandog ng manok, sa kagustuhan na rin ng mga anito. Matapos nito, agad din naming gumaling ang bata at bumalik na sa dati.

RITUALS
Ang kanyao (Canao) ay isang ritwal na ginagawa sa isang pagtitipon. Madaming pagkakaiba-iba sa bawat lupain, sa bawat angkan. Ito ay ginagawa para sa mga masasayang selebrasyon gaya ng masidhing pag-aani, pasasalamat sa pagkakagamot, at iba pa. Ngunit hindi dito nagtatapos ang gamit nito. Maari din itong gawin sa mga nakakalungkot na pangyayari gaya ng paglalamay. Madalas naman, ito ay ginagawa bilang pagkonsulta sa mga ninuno tungkol sa mga dapat na gawin ng isang bayan. Marami din talagang iba’t-ibang mga kaugaliang napapaloob sa kanyao.

Ang pamilyang nais magtanong ay unang lumalapit sa kadangyan. Doon sasabihin ng kadangyan (isang uri ng pari) kung ano ang mga kakailanganin. Madalas na nagpapakatay ng sampung baka o baboy, depende sa kahilingan umano ng mga diwata. May mga biro na depende lang talaga yun sa katakawan ng kadangyan o sa dami ng mga pakakaining manonood. Ang mga pinaslang na hayop ay nagsisilbing paghahandog sa mga diwata (anito, ninuno) at mga bathala.

Sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng mga pagsasalo, pagsasayaw, kantahan, at iba pa. Kung ano man ang sadya ng kanyao, doon din nanggagaling ang uri ng sayaw, o tayaw. Madalas na ginagamit ang mga gongs na gawa sa makapal na bakal. Sinasaliwan naman ito ng iba pang mga tambol gaya ng solibao habang ang mga tao ay nagkakantahan, nagtatawanan, at pinagsasaluhan ang watwat (pinakuluang karne ng baboy).  Para sa kanyao ng pasasalamat, ang laman ng kanta ay ukol sa mga masasaganang ani at iba pang mga dapat ipagyamang bagay. Sinasaloob din ang mga matatalinhagang sabi ng mga ninuno.

Ngayon, ang kanyao ay hindi na masyadong isinasagawa o kung oo man ay hindi na gaya nang dati na magarbo at detalyado. Noong panahong nakalipas, ito din ang nakakapagsabi sa kayamanan ng tao, o yung sinasabi nating status quo.

Reaksyon, Suhestiyon, at iba pang kuro-kuro
Nakakatakot din pala ang pamumuhay ng ating mga ninuno. Bukod sa mga delubyong dulot ng mga piskal na bagay, naroon din ang tuwi-tuwinang banta ng kalikasan kasama na ng mga nilalang na di nakikita. Malaki marahil ang naging epekto nito sa pamumuhay natin ngayon. Dahil sa paggalang na ito, mayaman pa rin ang kapaligiran sa likas na yaman. Sa kabilang banda, marahil ay ito din ang isang kadahilanan kung bakit may hangganan ang teknolohiyang nabuo ng mga ninuno kung ikukumpara sa ibang dakilang nasyon na naging tanyag sa kanilang mga nagawa sa kabuuan ng kasaysayan. Pinagtataka ko lamang kung bakit hindi sila naging tamad. Dinahilan ni Rizal na isang ugat ng katamaran ng mga Pilipino ay ang mayamang mapagkukunan ng kanilang mga pangangailangan. Isa pa, may mga parte din sa Kordilyerang talaga namang mainit. (clarification: Jose Rizal reasoned that hot climates can lead to sloth)

Para sa ating mga pinanganak sa mundo ng mga Kristiyano, nakakalito din na maniwala sa mga ani-anito. Sa aking palagay, totoong nangyayari ang mga ito, may mga mirakulo, may mga kakaibang pangyayari. Ngunit ayon sa Bibliya, ang mga ito ay kagagawan ng demonyo. Matalino din daw sila. Kaya nilang mag-astang mabuti, kaya din nilang gumawa ng mga mirakulo upang maniwala ang mga tao sa kanilang kapangyarihan. Yun daw ang pinagmulan ng lahat ng kaguluhan, ang pagnais ni Lucifer sa kapangyarihan na higit sa ginawad sa kaniya. Kung kaya’t dapat tayong magkaroon ng solidong paninidigan sa Diyos. Sa kabilang banda, iyon na lamang ba muli ang tanong? Lagi na lamang bang mabuti-masama; Diyos-demonyo; puti-itim; araw-gabi? Nakakalito talaga. Ano nga rin ba kaya ang korelasyon ng pananampalataya ng mga ninuno (Animismo) sa ibang dakilang relihiyon kagaya ng Kristiyanismo, Buddhismo, o Islam?

Nakakalungkot din naman na nawawala na ang mga kaugaliang ito. Ang maituturo kong isang dulot ay ang pananampalatayang Kristiyanismo. Ngunit talaga sigurong nakatatak na sa atin ang mga nakagawian sapagkat matagal na panahon din bago tuluyang nagpabinyag ang ilang katutubo.

Sa punto naman ng Katolisismo (at iba na ring sektor ng relihiyon), mapapansing ginamit (ginagamit pa rin) ang akulturasyon upang makapagbinyag ng mas higit pa. Sa isang banda, nababago nito ang istilo, gamit, at paraan ng ilang kaugalian. Halimbawa na marahil ay ang pagkanyao bilang misa para sa Diyos. Ngunit iba na sigurong usapin yan at mas makakabuting bumalik tayo sa pinag-uusapan.

Sa kasalukuyan ay unti-unti nang nalilimutan sa kasaysayan ang mga sinaunang gawain. Sino o ano ang dapat sisihin? Ang teknolohiya? Ang globalisasyon? Nararapat din bang panatilihin, o limutin ang mga kulturang ito? Ngunit hindi ba, ganoon ang kultura? Ito ay patuloy na nagbabago upang makisalamuha sa patuloy ding nagbabagong pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.

Pinagtataasan man ng kilay, ang mga Igorot ay di maitatangging pride ng ating bayan. Ngayon, kilala tayo dahil sa Hagdan-hagdanang Palayan, sa mga kweba ng Sagada, at kay Apo Ano na isang mummy. Ngunit sana maintindihan din ng iba na hindi lamang tayo hanggang doon, mga artifact ng nakalipas, mga subject ng eksibisyon.  Madami tayong mga katangian na talaga namang nakakamangha. Sabi nga nila, ang isang bayani ay hindi makikilala sa kaniyang sariling bayan. Sa pagsasantabi sa atin ng iba pang mga Pilipino, hindi nila napapansing naisasantabi din nila ang kanilang mga sarili, ang kanilang kasaysayan, at ang kanilang mga ninuno.

Sa tuwing binabangit ang salitang “Igorot”, hindi matulungang may diskriminasyon na naglalaro sa isip ng mga tao. Ano nga ba ang pinagkaiba natin sa mga taong taga- ibang lupain?

Sinasabing nag-ugat ang mga taga-baba at mga taga-kabundukan sa parehong mga ninuno. Ang mga Igorot ay yaong mga taong lumipat sa mga kabundukan upang makahanap ng ibang buhay, o upang lisanin ang mga bayang nanganganib sakupin ng ibang lahi. Sila ay tumira sa tinatawag nating ngayong Rehiyong Cordillera. Sa pagdaan ng mahabang panahon, ang mga Igorot, kasama na ng iba pang mga tribong hindi nagpasakop, ay nagkaroon ng kulturang natatangi sa kanila. Naipagpatuloy ng mga Igorot ang mga sinaunang gawain samantalang ang mga naiwan sa mga kapatagan ay nagkaroon ng maraming pasanin. Ito ay mga paghihirap, mga sakripisyo, at mga luha na siya naman nilang ipinagkatulad sa mga Pilipinong taga-timog.

Madaming mga gawain na makikita sa karamihan ng mga Igorot ngunit nagkakaiba ang istilo sa iba’t-ibang mga tribo. Ang ilang mga gawain at paniniwala ng mga Igorot ay nakasaad sa sulating ito. Ang pangunahing pinagkunan ay ang mga karanasan ng aking lola. Ibig sabihin, ang mga ito ay gawain sa

Mountain

Province

ngunit may konting halo sa mga paniniwala ng mga Ilocano sa Cervantes.
Hindi nalalaman kung kailan pa nagsimula ang mga kaugaliang mga ito. Basta ayon sa mga matatanda, ito ay ginagawa na noon pang buhay si ganito na anak ni ganito at pinsan ni ganito na siya namang apo ni ganito. Ang mga kaugaliang ito ay pinaabot sa mga sunod na henerasyon sa pamamagitan ng pagkukuwento o aktibong partisipasyon sa mga ritwal.

SAPO
Ang sapo, o kulam sa tagalog, ay isa sa mga sinaunang gawain na nakakapagtaka ma’y nakarating sa kasalukuyang henerasyon. Ginagamit ito upang makapagdulot ng kung hindi maganda ay kasawiang-palad sa taong tinuturingan nito. Ito ay ginagawa ng mga mambonong (mambonon sa iba), o mga pari. Ngunit maari din daw manahin ang talentong ito. May ritwal na gagawin ang mambonong upang magtawag ng diwata. Gumagamit ng representasyon para sa taong nais i-sapo, madalas na isang manok. Kinakantahan ng dasal at sinasayawan upang ang diwata, o espiritu ng mga ninuno ang magpapatotoo sa mga hinihiling.

Hindi lahat ng tao ay tinatablan ng sapo, lalo na kung siya ay may matatag na pananampalataya. (Hindi lamang nasabi kung ito’y pananalig sa Diyos ng mga Kristiyano o sa Bathala ng mga ninuno.) Sa ganitong mga pagkakataon, ito ay napupunta sa isa pang taong mahalaga sa kanya, kung di kaya’y bumabalik ito sa nais magpalagay ng sapo. Babala ng mga matatanda sa mga kadalagahan, huwag daw itaboy ang isang manliligaw. Bagkus ay kausapin na lamang daw ito nang matiwasay upang maiwasan ang anumang disgrasya. Sinasabing malawak pa rin ang paggawa nito sa ilang parte ng Mt. Province, Kibungan, Bokod, at lalo pa sa Abra.

PAGLIBING
Ang paglilibing naman sa isang tao ay depende sa kanyang estado sa buhay. Nagtatawag sila ng mambonong upang magsabi ng huling dasal. Isinasama na dito ang paghingi ng tawad para sa mga kasalanan ng namatay at pagbebendisyon sa pamilyang naiwan. Para sa mga mayayaman, nagkakaroon ng kanyao na nagtatagal ng di kukulanging isang lingo, minsan ay umaabot pa ng dalawang buwan.

Ang namatay ay binabalutan ng espesyal na tapis o tela at dinadagdagan ng mga bagay na naging mahalaga sa kanya. Ito ay sinasabing makakapagpadali sa kanyang pagtawid sa kabilang buhay. Inaasahan din nila ang pagpaparamdam ng kanyang kaluluwa sa ikatlong araw, lalo na sa mga kapamilya at kaibigan. Sinasabing ito ang panahon ng pag-ahon ng kaluluwa sa pook ng mga kagalang-galangang ninuno.

Sa mga Ibaloi naman, pumapaslang sila dati ng isang kabayo upang maging sakayan ng kaluluwa sa kanyang paglalakbay. Dati pa, marunong ang mga katutubong magmummify. Ito ay natatangi sa istilo ng mga Egyptian at Aztecs sa pagkat kasamang napre-preserba ang balat habang ang bangkay ay naka-posisyong paupo na para bang giniginaw. Kaya lamang, nakalimutan na din kung paano ito ginagawa. Mayroon pang natuklasan na isang mummy dito na sinasabing mahigit apat dantaong gulang na.

LIFE AFTER DEATH
Pinaniniwalaang pagkamatay, ang kaluluwa ay pumupunta sa mundo ng mga ninuno. Sa mga nahaluan ng Katolikong paniniwala, sinasabi nilang ang mga kaluluwa ay pumupunta sa purgatoryo habang hinihintay ang araw ng pagsasakdal. Ngunit itong mundo rin nating ito ang purgatoryo. Sila ang mga naninirahan sa mga sapa, mga gubat, mga puno, mga tutubi, at lahat na yata ng mga likas na bagay. Anito ang tawag sa mga ito. Ang mga anito ay kinatatakutan at nirerespeto ngunit hindi sila diyos. Ang mga diyos (bathala) naman ay higit na may kapangyarihan sa kanila. Pinaniniwalaan ding may kataas-taasang diyos na siyang lumikha sa sanlibutan. Nakakalito sa pagkat siya ang tinuturingang ‘Bathala’ ng ibang tribo.

BELIEFS
Pagtawag ng pangalan.

Bago lumisan sa isang panibagong lugar, tinatawag ng mga katutubo ang kanilang anino. Maari daw kasing maiwang naglalakbay ang anino, o kaluluwa hiwalay sa katawan nito. Kapag nagkaganoon, ang katawan ay maiiwang sakitin at tulala. Sa ibang tao, palagi niyang mapapanaginipan ang lugar na pinuntahan niya. Makikita niya ang sariling libang na libang sa mga tanawin at mga bagay doon.

Ayon sa aking Lola, ito daw ang nangyari sa aking pinsan na dalawang taong gulang noon. Lumipat sila mula sa Apugan, Itogon. Sa mga sumunod na araw ay naging matamlay at pala-tae. Sinubukan nilang ipagamot sa pamamagitan ng medisina, sa abot ng kanilang makakaya. Nang walang nangyari, minungkahi ng isang matandan na ipatingin siya sa isang mambonong. Sinabi na naiwan daw ang kanyang kaluluwa sa pagkat aliw na aliw sa kanya ang isang batang anito.

Sunod nito, nagkaroon ng ritwal ng panggagamot. Tinawag ng mambonong ang anito at mga magulang nito. Hiniling nila ang paglaya ng bata sapagkat ano nga daw ba ang gagawin nila sa isang tao. Ang mga tao ay hindi karapat-dapat sa mga anito, na sila ay madudumi at hindi maipaghahambing sa kanila. May paghahandog ng manok, sa kagustuhan na rin ng mga anito. Matapos nito, agad din naming gumaling ang bata at bumalik na sa dati.

RITUALS
Ang kanyao ay isang ritwal na ginagawa sa isang pagtitipon. Madaming pagkakaiba-iba sa bawat lupain, sa bawat angkan. Ito ay ginagawa para sa mga masasayang selebrasyon gaya ng masidhing pag-aani, pasasalamat sa pagkakagamot, at iba pa. Ngunit hindi dito nagtatapos ang gamit nito. Maari din itong gawin sa mga nakakalungkot na pangyayari gaya ng paglalamay. Madalas naman, ito ay ginagawa bilang pagkonsulta sa mga ninuno tungkol sa mga dapat na gawin ng isang bayan. Marami din talagang iba’t-ibang mga kaugaliang napapaloob sa kanyao.

Ang pamilyang nais magtanong ay unang lumalapit sa kadangyan. Doon sasabihin ng kadangyan (isang uri ng pari) kung ano ang mga kakailanganin. Madalas na nagpapakatay ng sampung baka o baboy, depende sa kahilingan umano ng mga diwata. May mga biro na depende lang talaga yun sa katakawan ng kadangyan o sa dami ng mga pakakaining manonood. Ang mga pinaslang na hayop ay nagsisilbing paghahandog sa mga diwata (anito, ninuno) at mga bathala.

Sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng mga pagsasalo, pagsasayaw, kantahan, at iba pa. Kung ano man ang sadya ng kanyao, doon din nanggagaling ang uri ng sayaw, o tayaw. Madalas na ginagamit ang mga gongs na gawa sa makapal na bakal. Sinasaliwan naman ito ng iba pang mga tambol gaya ng solibao habang ang mga tao ay nagkakantahan, nagtatawanan, at pinagsasaluhan ang watwat (pinakuluang karne ng baboy).  Para sa kanyao ng pasasalamat, ang laman ng kanta ay ukol sa mga masasaganang ani at iba pang mga dapat ipagyamang bagay. Sinasaloob din ang mga matatalinhagang sabi ng mga ninuno.

Ngayon, ang kanyao ay hindi na masyadong isinasagawa o kung oo man ay hindi na gaya nang dati na magarbo at detalyado. Noong panahong nakalipas, ito din ang nakakapagsabi sa kayamanan ng tao, o yung sinasabi nating status quo.

Reaksyon, Suhestiyon, at iba pang kuro-kuro

Nakakatakot din pala ang pamumuhay ng ating mga ninuno. Bukod sa mga delubyong dulot ng mga piskal na bagay, naroon din ang tuwi-tuwinang banta ng kalikasan kasama na ng mga nilalang na di nakikita. Malaki marahil ang naging epekto nito sa pamumuhay natin ngayon. Dahil sa paggalang na ito, mayaman pa rin ang kapaligiran sa likas na yaman. Sa kabilang banda, marahil ay ito din ang isang kadahilanan kung bakit may hangganan ang teknolohiyang nabuo ng mga ninuno kung ikukumpara sa ibang dakilang nasyon na naging tanyag sa kanilang mga nagawa sa kabuuan ng kasaysayan. Pinagtataka ko lamang kung bakit hindi sila naging tamad. Dinahilan ni Rizal na isang ugat ng katamaran ng mga Pilipino ay ang mayamang mapagkukunan ng kanilang mga pangangailangan. Isa pa, may mga parte din sa Kordilyerang talaga namang mainit.

Para sa ating mga pinanganak sa mundo ng mga Kristiyano, nakakalito din na maniwala sa mga ani-anito. Sa aking palagay, totoong nangyayari ang mga ito, may mga mirakulo, may mga kakaibang pangyayari. Ngunit ayon sa Bibliya, ang mga ito ay kagagawan ng demonyo. Matalino din daw sila. Kaya nilang mag-astang mabuti, kaya din nilang gumawa ng mga mirakulo upang maniwala ang mga tao sa kanilang kapangyarihan. Yun daw ang pinagmulan ng lahat ng kaguluhan, ang pagnais ni Lucifer sa kapangyarihan na higit sa ginawad sa kaniya. Kung kaya’t dapat tayong magkaroon ng solidong paninidigan sa Diyos. Sa kabilang banda, iyon na lamang ba muli ang tanong? Lagi na lamang bang mabuti-masama; Diyos-demonyo; puti-itim; araw-gabi? Nakakalito talaga. Ano nga rin ba kaya ang korelasyon ng pananampalataya ng mga ninuno (Animismo) sa ibang dakilang relihiyon kagaya ng Kristiyanismo, Buddhismo, o Islam?

Nakakalungkot din naman na nawawala na ang mga kaugaliang ito. Ang maituturo kong isang dulot ay ang pananampalatayang Kristiyanismo. Ngunit talaga sigurong nakatatak na sa atin ang mga nakagawian sapagkat matagal na panahon din bago tuluyang nagpabinyag ang ilang katutubo.

Sa punto naman ng Katolisismo (at iba na ring sektor ng relihiyon), mapapansing ginamit (ginagamit pa rin) ang akulturasyon upang makapagbinyag ng mas higit pa. Sa isang banda, nababago nito ang istilo, gamit, at paraan ng ilang kaugalian. Halimbawa na marahil ay ang pagkanyao bilang misa para sa Diyos. Ngunit iba na sigurong usapin yan at mas makakabuting bumalik tayo sa pinag-uusapan.

Sa kasalukuyan ay unti-unti nang nalilimutan sa kasaysayan ang mga sinaunang gawain. Sino o ano ang dapat sisihin? Ang teknolohiya? Ang globalisasyon? Nararapat din bang panatilihin, o limutin ang mga kulturang ito? Ngunit hindi ba, ganoon ang kultura? Ito ay patuloy na nagbabago upang makisalamuha sa patuloy ding nagbabagong pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.

Pinagtataasan man ng kilay, ang mga Igorot ay di maitatangging pride ng ating bayan. Ngayon, kilala tayo dahil sa Hagdan-hagdanang Palayan, sa mga kweba ng Sagada, at kay Apo Ano na isang mummy. Ngunit sana maintindihan din ng iba na hindi lamang tayo hanggang doon, mga artifact ng nakalipas, mga subject ng eksibisyon.  Madami tayong mga katangian na talaga namang nakakamangha. Sabi nga nila, ang isang bayani ay hindi makikilala sa kaniyang sariling bayan. Sa pagsasantabi sa atin ng iba pang mga Pilipino, hindi nila napapansing naisasantabi din nila ang kanilang mga sarili, ang kanilang kasaysayan, at ang kanilang mga ninuno.

Posted in Ethnos: Indigenous Groups of the Philippines, Uncategorized | Tagged , , , , , , , , , , , | Leave a comment

Hello world!

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!

Posted in Uncategorized | 1 Comment